83% ng mga barangay sa QC nakatugon na sa pagsasagawa ng clearing operations

Umabot na sa 83% ng kabuuang bilang ng mga barangay sa Quezon City ang nakatugon sa pagsasagawa ng clearing operations sa lungsod.

Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasunod ng idinaos na pagpupulong ng mga departamento sa City Hall na katuwang sa pagsasagawa ng paglilinis sa lungsod.

Ayon kay Belmonte, 118 sa 142 na bilang ng mga barangay na nakapagsagawa na ng clearing operations.

Maliban dito,marami na rin aniyang mga tiangge ang tinanggal sa Quezon Memorial Circle (QMC) sa layong patuloy itong linisin at pagandahin.

Sinabi ni Belmonte na may development plan nang nakahanda para sa pagpapaganda ng QMC.

Tiniyak din nitong hindi mapapabayaan ang mga nawalan ng tindahan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer ay nagpasalamat naman si Belmonte sa pagiging aktibo ng mga opisyal ng barangay.

Read more...