Planong pagdagdag ng police visibility sa mga unibersidad at kolehiyo dapat pag-aralan muli – Rep. Fidel Nograles

Hinikayat ni House Committee on Higher Education (CHED) Vice Chairman Fidel Nograles ang Philippine National Police (PNP) na irekonsidera nang bawiin ang planong paglalagay at dagdagan ang police visibility sa mga unibersidad at kolehiyo sa bansa bunsod na rin ng napaulat na pagre-recruit ng NPA sa mga estudyante.

Kailangan aniyang huwag ng ituloy ng PNP ang planong pagtatalaga ng mga pulis sa mga higher learning institutions dahil ito ay hindi makakatulong at inconsistent sa pagkatuto ng mga kabataan.

Giit ni Nograles, pinakamandato ng PNP ay labanan at tugisin ang mga krimen na siya namang wala sa mga unibersidad at kolehiyo.

Hanggat hindi naman aniya lumalaban ang mga estudyante sa gobyerno gamit ang armas ay hindi din ito maituturing na krimen.

Sang-ayon din ang mambabatas sa posisyon ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi krimen ang maging myembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) maliban na lamang kung nakalabag ito sa batas.

Read more...