LOOK: Taxi nasunog sa East Avenue sa QC

Isang taxi ang tinupok ng apoy habang binabagtas ang kahabaan ng East Avenue sa Quezon City.

Nangyari ang sunog sa tapat ng Philippine Heart Center pasado alas 11:00 ng umaga ng Huwebes, Aug. 15.

Ayon sa driver ng taxi, may narinig siyang pumutok at pagkatapos ay nagsimula nang magliyab ang unahang bahagi ng taxi.

Mabilis na nakababa ang driver at ang dalawa niyang pasahero.

Wala namang nasugatan sa insidente at agad ding naapula ang apoy ng mga rumespondeng bumbero.

Read more...