Panukalang batas pabor sa mga LGBTQ+ inihain ni Sen. Imee Marcos

Nais ni Senator Imee Marcos na madagdagan pa ang mga itinuturing na krimen laban sa mga miyembro ng LGBT Community.

Sa inihain niyang Senate Bill 412, ang panggigipit ng mga tagapagpatupad ng batas sa mga LGBT members ay may kaakibat ng parusa.

Nakasaad din sa panukala ang pagtatakda ng mga gender-neutral toilets tulad ng mga palikuran para sa mga taong may kapansanan para hindi mapahiya ang mga trans woman.

Ilan sa mga nais ni Marcos na maparusahan ay ang pagtanggi ng eskuwelahan sa isang bata dahil sa sexual orientation ng kanyang mga magulang o guardian.

Gayundin ang pagbabawal sa isang bata na ilantad ang kanyang gender identity, ang hindi pagtanggap sa kanila sa pagbibigay serbisyo publiko kasama na ang pagpasok sa military service at ang paglalantad ng sexual orientation ng isang miyembro ng LGBT community ng hindi ipinagpapaalam sa kanya.

Ang mga lalabag ay maaring pagmultahin ng hindi hihigit sa P100,000 o kulong na isa hanggang anim na taon.

Pinuna ni Marcos na may mga insidente pa rin ng hate crimes at hindi tamang pag trato sa mga LGBT at aniya dapat ay magkaroon na ng tama at pantay na pagtrato sa kanila.

Read more...