Sa kaniyang pag-iikot sa mga palengke sa mga barangay ay natuklasan ni Belmonte ang ilegal na palengke sa Luzon.
Nang kausapin ng alkalde ang mga vendor, nagsumbong ang mga ito sa kaniya na sila ay nagbabayad ng P80 hanggang P150 at ang iba ay hanggang P200 kada araw sa isang priabadong kumpanya para sa renta.
Dahil dito, aalamin ni Belmonte kung sino ang nasa likod ng paniningil sa mga vendor.
“Gusto kong makita kung sino ang naniningil sa inyo. Ayaw kong pinagsasamantalahan kayo,” ani Belmonte.
Ipinatawag na rin ni Belmonte ang may-ari ng kumpanya para sa isang pulong sa City Hall.
Ani Belmonte kailangang mapatunayan ng kumpanya ang legalidad ng ginagawa nilang paniningil.