Dating seafarer tinambangan sa harap ng dalawang anak sa Lapu-Lapu City

Patay makaraang tambangan ang isang dating seafarer habang minamaneho ang kaniyang multicab sa Barangang Soong, Lapu-Lapu City.

Naganap ang pananambang pasado alas 6:00 ng umaga ng Huwebes (Aug. 15).

Ayon kay P/Sergeant Deen Sanchez, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang bumaril sa 57 anyos na si Gil Antonio.

Sakay pa noon ni Antonio ang kaniyang 5 taong gulang at 2 taong gulang na anak nang siya ay tambangan.

Kapwa naman nakaligtas sa insidente ang mga bata

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...