Ayon kay Romualdez, sa ganitong paraan ay mas mapapabilis ang paghimay at mapagtitibay sa tamang panahon ang panukalang P4.1 trillion national budget.
Sinabi ng House leader na dahil sa maigsi lang ang time frame upang mapa-aprubahan ang national budget, malaking trabaho na madaliin ang pagproseso nito.
Sa Agosto 20 na inaasahang maisusumite ng Malakanyang sa Kamara ang kopya ng National Expenditure Program (NEP).
Nabatid mula kay House Committee on Appropriations chairman Rep. Isidro Ungab na sa Agosto 22 ay mapasisimulan na ang budget deliberations na sabay-sabay na idaraos ng mga sub-committee.