Drug suspect patay sa engkwentro sa Lucena

Patay ang isang drug suspect makaraang manlaban sa ikinasang operasyon ng pulisya Lucena City.

Nangyari ang insidente sa Brgy. Ibabang Iyam, Miyerkules (Aug. 14) ng gabi.

Ayon kay Lucena police chief Lt. Colonel Reydante Ariza, nasawi ang suspek na si Pablito Cerion Jr., 34 anyos.

Si Cerion ay nasa drug watchlist ng pulisya.

Sinabi ni Ariza na aarestuhin na dapat ng pulisya si Cerion nang ito ay bumunot ng caliber 38 na baril at saka nagpaputok.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng suspek.

Nakuha sa suspek ang P500 na buy-bust money at ang kaniyang ginamit na baril.

Read more...