Sen. Leila de Lima dumating na sa kanilang ancestral home sa Iriga City

Dumating na sa Iriga City, Camarines Sur si Senator Leila De Lima.

Mula sa Legazpi Airport sa Albay, bumiyahe by land ang senadora patungo sa kanilang bahay sa Brgy. San Agustin sa Iriga City.

Nakauwi na sa bahay ang nanay ni De Lima mula nang ma-confine sa pagamutan.

Alas 7:40 ng umaga ng Huwebes (Aug. 14) nang dumating sa kanilang ancestral home si De Lima.

Mahigpit naman ang seguridad na ipinatupad sa palibot ng bahay ng pamilya.

Ang 84 anyos na ina ni De Lima na si Ginang Norma ay nagkasakit at nadala sa ospital kaya humiling ng furlough ang senadora na pinagbigyan naman ng korte.

Read more...