Water level sa Angat dam muling nadagdagan

By Dona Dominguez-Cargullo August 15, 2019 - 08:19 AM

Nadagdagan muli sa nakalipas na 24 na oras ang water level sa Angat dam.

Alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Huwebes, Aug. 15 ay nasa 176.72 meters na ang antas ng tubig sa Angat.

Bahagya din nadagdagan ang water level sa La Mesa dam at ngayon ay nasa 76.71 meters.

Nadagdagan din ang water level sa San Roque, Pantabangan at Magat.

Habang nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ipo, Binga, Ambuklao, at Caliraya.

Itinigil naman na alas 4:30 ng madaling araw ng Huwebes ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga.

Noong isang araw ay nagbukas ng gate ang naturang mga dam dahil lumagpas na ang antas nito sa normal high level bunsod ng nararanasang patuloy na pag-ulan sa Northern Luzon.

TAGS: Angat Dam, dam status, Pagasa, water level, Water supply, weather, Angat Dam, dam status, Pagasa, water level, Water supply, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.