Panibagong insidente ng pamamaril naganap sa Amerika; lockdown ipinatupad sa isang unibersidad sa Philadelphia

Isa na namang panibagong insidente ng pamamaril ang naganap sa Amerika.

Sa pahayag ng Philadelphia Police, isang shooting incident ang naganap sa isang residential area sa North Philly.

Ayon kay Eric Gripp, tagapagsalita ng Philadelphia Police, ilang otoridad ang nasugatan na matapos paputukan ng suspek.

Dahil sa nasabing insidente, nagpatupad na ng lockdown sa kalapit na Temple University.

Ayon sa pahayag ng paaralan, ang pamamaril ay malapit sa kanilang Health Sciences Center Campus kaya pinaiiwas muna ang mga estudyante at publiko sa naturang lugar.

Read more...