Senator Leila De Lima, bumiyahe na patungong CamSur para bisitahin ang inang may sakit

Maagang bumiyahe si Senator Leila De Lima patungo sa Bicol makaraang payagan ng korte sa Muntinlupa City na mabisita niya ang inang may sakit sa Iriga City.

Alas 2:30 ng madaling araw ng HUwebes (Aug. 15) nang lumabas sa PNP Custodial Center ang convoy ng senadora na naghatid sa kaniya patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Alas 4:30 ng madaling araw ang kaniyang flight patungong Bicol.

Base sa naging kautusan ng korte, pinayagan si De Lima na bisitahin ang ina sa Camarines Sur.

Binigyan lamang siya ng 8 oras para mamalagi sa ospital kung saan naka-confine ang ina o kung saanman ito nananatili sa ngayon sakaling na-discharge na.

Kailangan ding makabalik siya sa Custodial Center sa Augusto 16.

Read more...