Hideout ng grupong sangkot sa pagdukot sa mga opisyal ng BIR sinalakay sa Bulacan, 1 ang patay

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng PNP-National Capital Region Police Office, Police Regional Office – 3, PNP-Highway Patrol Group at PNP-Anti-Kidnapping Group ang hideouts ng ng grupong sangkot sa pagdukot umano sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Bitbit ang search warrant, nagsagawa ng serye ng pagsalakay sa limang mga lugar kabilang ang dalawa sa Caloocan, dalawa sa Marilao, Bulacan; at isa sa San Jose del Monte City, Bulacan target ang kidnap for ransom group na nambibiktima sa mga taga-BIR at mga negosyante.

Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, modus ng grupo ang manghingi ng pera mula sa mga biktima at kanilang kaanak.

Gumagamit pa ng uniporme ng pulis ang mga suspek at may mga kasabwat silang mga AWOL na tauhan ng PNP.

Nauwi naman sa engkwentro ang pagsalakay sa isa sa hideouts sa Marialo na nagresulta pagkasawi ng isang suspek.

Kinilala ang suspek na si Leo Dela Fuente, 41 anyos at residente ng Cubao, Quezon City.

Nakumpiska sa loob ng isa sa mga bahay ang 8 iba’t ibang uri ng armas na may mga bala.

Sa mga sasakyang nadatnan sa lugar ay may mga nakuha ring mga baril na loaded ng mga bala.

Patuloy pa ang imbentaryo ng mga otoridad sa mga nakumpiskang armas, mga uniporme ng pulis at iba pang gamit.

Read more...