Estudyante na sinasabing dinukot ng NPA iniharap sa media ng Makabayan Bloc sa Kamara

Lumutang sa press conference ng Makabayan Bloc sa Kamara ang isa sa mga estudyanteng sinasabing dinukot ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Iprinisinta ng opposition lawmakers ang mag-aaral na si Alicia Lucena mula Far Eastern University (FEU) na anak ng isa sa mga magulang na dumalo sa pagdinig ng senado hinggil sa pag-recruit ng NPA sa mga kabataan.

Mariing itinanggi ni Lucena ang sinabi ng kanyang ina na siya ay na-kidnap dahil kusang-loob umano siyang sumama sa Anakbayan matapos makita ang pangangailangan ng pagkilos ng kabataan laban sa mga polisiya ng gobyerno.

Sinuportahan naman ng Makabayan ang pahayag ni Lucena at iginiit na ang ginawang imbestigasyon ng Senado sa isyu ng nawawalang mga kabataan ay maituturing na “witch hunt”.

Bago ito, pinabulaanan na ng labingwalong taong gulang na Senior High School student sa pamamagitan ng Facebook post na siya ay nawawala at nilinaw na nilayasan niya ang pamilya matapos umano siyang i-house arrest dahil lamang sa kagustuhang maglingkod sa bayan.

Read more...