Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management umabot sa 11 pamilya ang inilikas dahil ang kanilang bahay ay naapektuhan ng soil erosion.
Simula noong August 4 hanggang ngayong araw August 14, nasa 39 na indibidwal ang nailigtas at napagkalooban ng medical assistance makaraang makaranas ng pagkahilo, accidental road slip, nahulog sa manhole, at iba pang emergency health situation.
Nakapagtala din ang CDRRMO ng 15 motor at vehicular accidents; 16 na puno na bumagsak dahil sa malakas na hangin, 12 insidente ng soil erosion at dalawang streetlights na bumagsak.
Marami ring kalsada na patungo ng Baguio City ang sarado kabilang ang mga sumusunod:
• Kennon Road (closed, motorist are advised to take Marcos Highway)
• Governor Pack Road near BGH Rotunda (closed to traffic due to scoured and hanging footing of arc)
• Tawang-Ambiong Road, La Trinidad (closed to traffic due to road cut)
• Longlong, La Trinidad (closed to traffic due to landslide)
Nananatiling nakataas ang Blue Alert Status sa CDRRMO ng Baguio City.