Sa desisyon ng Muntinlupa RTC sa panulat ni Judge Liezel Aquiatan, pinagbigyan ang hirit na furlough ni De Lima mula August 14 hanggang 15.
Nakasaad sa utos na dapat 8 oras lang mananatili sa ospital si De Lima kung saan naka-confine ang kaniyang ina at dapat makabalik siya sa PNP-Custodial Center bago mag-August 16.
Bawal ding magpa-interview si De Lima at bawal siyang gumamit ng communication gadgets.
Inatasan ang PNP na bigyan ng escort si De Lima para sa nasabing biyahe.
Ang naturang hirit ni De Lima ay hindi an tinutulan ng prosekusyon sa kondisyong dapat ay 48 oras lang siyang mawawala sa custodial center kasama na ang biyahe.
At dapat ang lahat ng gastos para sa biyahe ay sasagutin ni De Lima.