Sa kaniyang post sa Instagram, inamin ni Seguerra na isa sa mga kinatatakutan niyang insidente kapag siya ay nasa labas ay ang paggamit ng CR.
May pagkakataon na rin kasi ayon kay Seguerra na binawalan siyang pumasok sa pang-babaeng CR at may pagkakatoan na ring kinuwestyon siya dahil sa pagpasok naman sa pang-lalakeng CR.
room.
Ani Esguerra, kung sa iba ay mababaw ang isyung ito, para sa taong gaya niya na naranasan na ang sitwasyon ay hindi kababawan ang pagtinginan ka ng mga tao at mapahiya ng husto nang dahil lang sa kailangan nilang gumamit ng banyo.
May pagkakataon pa nga ayon kay Ice na sinadya niyang huwag uminom ng tubig habang nasa official events para hindi niya kailangang mag-CR.
Inihalimbawa nito ang ASEAN events na dinadaluhan niya noong siya ay nasa National Youth Commission pa, kung saan hindi siya uminom ng tubig buong araw.
Ang reaksyon ni Seguerra ay kasunod ng pagbabawal sa isang transwoman na pumasok sa pambabaeng CR sa Farmers Mall sa Cubao.