Water level ng Angat dam sumampa na sa 176-meter level

By Dona Dominguez-Cargullo August 14, 2019 - 08:19 AM

Nadagdagan pa sa nakalipas na 24 na oras ang water level ng Angat dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Aug. 14 ang water level ng Angat ay nasa 176.29 meters.

Bagaman patuloy na nadaragdagan kada araw ay ang water level ng Angat ay malayo pa ito sa normal operating level na 180-meters.

Ang Ipo dam naman ay nasa 100.99 meters at ang La Mesa dam ay 76.70 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Binga, San Roque, at Pantabangan.

Habang pawang nabawasan naman ang Magat at Ambuklao.

TAGS: Angat Dam, Radyo Inquirer, water level, Water supply, Angat Dam, Radyo Inquirer, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.