Guevarra, pinaiimbestigahan sa NBI ang umano’y pagpasok ng mga teroristang ISIS sa bansa

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang diumano’y pagpasok ng mga dayuhang terorista sa Pilipinas.

Ito ay matapos ang napapabalitang nasa bansa na ang ilang miyembro ng Islamic State of Iraq and Sytia o ISIS.

Ayon sa inilabas na kautusan ni Guevarra, pangungunahan ni NBI Director Dante Gierran ang naturang pagsisiyasat at pagsasagawa ng case build up.

Kasama sa titignan ng NBI ang plano umano ng grupo na pag-atake sa Northern Luzon at pati na ang iba pang grupo na nagbabadya ng panggugulo sa kung saan mang lugar sa bansa.

Mayroon naman hanggang August 31 ang NBI para makapagsumite ng ulat ng kanilang imbestigasyon.

Read more...