Tugon ito ng Palasyo sa panukala ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na dagdagan ang police visility sa mga eskwelahan dahil sa recruitment ng komunistang grupo.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, palihim kasi ang ginagawang recruitment sa mga estudyante at hindi lang ginagawa ang panghihikayat sa loob ng mga eskwelahan.
Maari lamang aniyang mapigilan ng mga pulis ang mga krimen na gagawin sa esweklahan pero malabo ang recruitment.
Nababahala aniya ang Palasyo sa ulat ng ilang magulang na bigla na lamang nawawala ang kanilang mga anak at nalalaman na namundok o namatay na.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng Palasyo ang mga magulang at mga estudyante na wala nang saysay ang mga idelohiya ng komunistang grupo at hindi na dapat na sumali sa mga subversive organization.