Pansamantalang isasara ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang Aurora Boulevard at Araneta Avenue sa Sta Mesa, Maynila simula sa Huwebes, August 15.
Hindi madaraanan ng kahit anong sasakyan ang kalsada mula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga sa loob ng pitong araw.
Ayon sa MMDA, pagbibigay-daan ang road closure sa konstruksyon ng Skyway connector na nagdurugtong North Luzon at South Luzon Expressway.
Pinayuhan naman ang mga motorista na dumaan:
– Kung galing sa Shaw Boulevard o V. Mapa, dumeretso sa Magsaysay Boulevard hanggang Santos Street, kumanan sa Palanza, Landargun, o Bayani Road, kumaliwa sa G. Araneta diretso sa direksyong pupuntahan
– Kung galing ng Cubao, dumiretso sa Manila area sa mag Aurora Boulevard, kanan sa Guirayan Street, kaliwa sa Palanza, kaliwa ulit sa Arguelles st o Santol Street hanggang Magsaysay Boulevard diretso sa direkssyong pupuntahan
– Kung galing N. Domingo at Bluementritt, dumaan sa F. Roman, H. Lozada Street, Art J. Luiz street
– Kung galing naman ng Norte bandang C3 Sgt. Rivera Street kanan ng Bayani, Landargun, at Palanza Street, kaliwa ng Santol St., kaliwa muli sa Magsaysay Boulevard, at Bagtasin ang V. Mapa, sa Old Sta. Mesa deretso sa direksyong pupuntahan.
Sa mga trak naman,
– Mula sa Quezon Avenue ay dumaan sa E. Rodriguez Avenue diretso sa Espana Boulevard, kaliwa sa Lacson Ave. diretso sa Nagtahan papunta sa destinasyon
– Maaari ring tahakin ang Magsaysay Boulevard, kanan sa V. Mapa hanggang Shaw Boulevard diretso sa destinasyon.
Tinataya namang nasa 17,000 hanggng 18,000 na motorista ang maaapektuhan ng pagsasara ng kalsada.