16 undocumented OFWs, naharang ng BI sa NAIA

Inquirer file photo

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang labing-anim na undocumented overseas Filipino worker (OFW) na nagtangkang umalis ng bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Grifton Medina, hepe ng BI port operations division, palipad sana ang dalawang batch ng mga undocumented OFW na nagpanggap na turista sa NAIA Terminal 3 noong August 7.

Ang unang batch ay labing-dalawang pasahero na pasakay sana sa biyahe Cebu Pacific Airways patungong Taiwan at habang ang ikalawang batch naman ay apat sa Hong Kong.

Ani Medina, inamin naman ng mga ito na hindi sila turista at natanggap sila sa ilang trabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng illegal recruiter.

Dinala ang mga undocumented OFW sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa isasagawang imbestigasyon.

Read more...