Muling kinansela ang lahat ng biyahe sa Hong Kong International Airport (HKIA), Martes ng hapon.
Ito ay dahil pa rin sa nagpapatuloy na kilos-protesta sa paliparan para tutulan ang anti-extradition bill.
Batay sa ulat, kinansela ng airport authority ng Hong Kong ang mga biyahe bandang 5:15 ng hapon.
Kumakalat din sa social media ang mga larawan at video ng pagharang ng mga raliyista sa departure halls.
Kaninang hapon ay may mga nakita na ring military trucks na may sakay ng mga sundalo na papunta sa mga vital installations sa nasabing Chinese territory.
Magugunitang kahapon ay inokupahan rin ng mga ralyista ang buong paliparan sa loob ng ilang oras.
MOST READ
LATEST STORIES