Albayalde aminadong tumatanggap rin ng mga regalo

Inquirer file photo

Inamin ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na tumatanggap siya ng regalo.

Sa isang panayam matapos ang 118th National Capital Region Police Office (NCRPO) police service sa Taguig City, sinabi nito na tumatanggap siya ng pagkain tuwing mayroong espesyal na okasyon.

Hindi naman aniya siya ipokrito para hindi kumain, halimbawa na lamang ng lechon.

Dagdag pa nito, karamihan sa kaniyang mga mamahaling gamit ay binili ng kaniyang asawa.

Hindi aniya siya makabili ng mga mahahaling gamit kung kaya’t asawa niya ang bumibili nito.

Matatandaang umamin din si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na tumanggap siya ng regalo noong siya ay pulis pa.

Read more...