Malacanang: Umiwas muna ang mga Pinoy sa pagpunta sa Hong Kong

AP

Pinayuhan ng Malacanang ang publiko na iwasan na muna ang pagtungo sa Hong Kong.

Ito ay dahil sa lumalalang tensyon sa nasabing Chinese territory dahil sa malawakang kilos protesta dahil sa extradition bill.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, hindi naman kasi sigurado ang mga Filipino na makararating ng Hong Kong dahil sa posibilidad na muling maulit ang pagsakop ng mga ralyista sa Hong Kong International Airport.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na wala pa namang ipinatutupad na travel ban ang pamahalaan sa Hong Kong.

May mga flight kasi aniya na biglang naka-cancel dahil sa rally.

“Eh ‘di avoid muna going there. That’s the advice. Kasi you’re not sure whether you’re going to reach Hong Kong in the first place,” dagdag pa ng kalihim.

Read more...