Lider ng Hong Kong nakatikim ng panlalait sa presscon mula sa media

AP

Sinalubong ng mga panlalait ang insulto ang pagharap sa media ng Hong Kong leader na si Carrie Lam.

Bago pa man niya natapos ang kanyang inihandang pahayag kaugnay sa nagaganap na mga kilos-protesta sa Hong Kong ay mabilis na nagbigay ng tanong ang mga kasapi ng media.

Tinamong si Lam kung gumagana pa ba ang kanyang konsensya bagay na hindi na niya sinagot.

Hindi na rin nagbigay ng tugon si Lam at ipinagpatuloy na lang ang kanyang pahayag kaugnay sa pagsasabing kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon sa Hong Kong.

Ilang linggo na rin ang nagaganap na mga pagkilos sa nasabing teritoryo ng China dahil sa mga pro-Beijing stance ni Lam.

Kabilang dito ang pagpabor sa extradition sa mainland China para sa mga kasong naganap sa Hong Kong.

Isang reporter rin ang nagtanong kay Lam kung kailan ba siya mamamatay dahil sa mga nagaganap ngayon na kaguluhan doon.

Read more...