Airport cleaner nagsauli ng bag na naglalaman ng cash at iPad

Isang airport cleaner ang nagsauli ng gamit na kaniyang nakuha sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na hindi sinasadyang naiwan ng pasahero.

Si Sixto O. Brillante, Jr., isang airport cleaner at naka-assign sa male comfort room malapit sa immigration area ay naglilinis nang ipaalam sa kaniya ng isang pasahero na may naiwang itim na sling bag sa lugar.

Dinala ang bag sa Lost and Found Section ng Intelligence and Investigation Division ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Sa isinagawang imbentaryo may laman itong Seven Thousand Three Hundred Euros (EUR 7,300.00) na katumbas ng P430,000.

May laman ding iPad ang bag.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang isang Turkish passenger para i-claim ang bag.

Pinasalamatan naman ni MIAA General Manager Ed Monreal si Brillante dahil sa katapatan nito.

Read more...