Ayon kay Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra, totoong nasa bansa ang dayuhang babae at personal itong nagtungo sa NBI para linisin ang kaniyang pangalan.
Samantala, ang dalawa pang dayuhan na hinihinalang terorista ay wala namang arrival records sa Bureau of Immigration ani Guevarra.
Magugunitang sa report ng The Strait Times ng Singapore, sinabing isang lalaki at kaniyang fiancé ang dumating sa Northern Luzon galing Sri Lanka para maglunsad ng pag-atake sa mga simbahan.
Ang nanay umano ng lalaki ang ‘financier’ ng grupo.
Ani Guevarra, naka-alerto naman na ang anti-terror group ng BI at binabantayan ang mga pangalang nasasangkot sa terorismo.