Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, bagaman may nakasaad sa batas na ‘exception’ dapat alalahanin ng mga tauhan ng gobyerno na lalo na ang mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) na ang kanilang serbisyo ay sapat naman nang nababayaran.
Aniya ang buwis ng taumbayan ang ibinabayad sa mga tauhan ng pamahalaan.
Dahil dito ayon kay Año, maaring mapanagot sa kasong kriminal hindi lamang ang mga pulis kundi maging ang mga empleyado ng DILG na tatanggap ng regalo o pera habang ginagampanan ang tungkulin.
Magugunitang nabanggit ni Pangulong Duterte na OK lang tumanggap ng regalo ang mga pulis.
Ayon kay Año, ang regalo na may kapalit na anumang pabor ay maaring ‘suhol’ na at paglabag na ito sa batas.