Sinabi ni Magalong, ang dagdag na prangkisa sa taxi sa Baguio ay makapagpapalala pa sa sitwasyon ng traffic sa lungsod.
Sa kaniyang liham kay Delgra, sinabi ni Magalong na malaking problema ngayon ang matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa Bagiio City.
Ang pagdami aniya ng mga sasakyan ang pangunahing dahilan ng problema sa traffic kaya kung madaragdagan pa ang bumibiyaheng taxi ay lalong lalala ang sitwasyon.
Dismayado din si Magalong sa kabiguan ng LFTRB na konsultahin muna ang LGU bago ilabas ang memorandum order na nagbubukas ng bagong prangkisa para sa mga taxi.
Bagaman nasa kapangyarihan aniya ng ahensya ang pagpapalabas ng panibagong prangkisa, ay ang lokal na pamahalaan naman ang namamahala sa traffic sa nasasakupan nitong lugar.