Water level ng Angat dam muling nadagdagan

By Dona Dominguez-Cargullo August 13, 2019 - 08:54 AM

Nadagdagan muli sa nakalipas na 24 na oras ang water level ng Angat dam.

Ayon sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Martes, Aug. 13 ay nasa 175.63 meters ang water level ng Angat.

Tumaas din ng bahagya ang water level ng Ipo dam at ngayon ay nasa 100.98 meters.

Ang La Mesa dam naman ay 76.66 meters ang water level ngayong umaga ng Martes.

Nadagdagan din ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon.

Maliban sa Magat at Caliraya dams na kapwa nabawasan ang water level.

TAGS: Angat Dam, Radyo Inquirer, water level, Water supply, Angat Dam, Radyo Inquirer, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.