Inanunsyo ni US President Donald Trump ang pagpapatupad ng bagong rules na maaring makapagpabawas pa sa bilang ng immigrants sa Amerika.
Ayon kay Trump, hindi bibigyan ng permanent residency at citizenship ang mga immigrant na tumatanggap ng food stamps at Medicaid.
Itinuturing itong banta sa citizenship ng milyun-milyong migrante na karamihan ay Hispanic na nagtatrabaho sa Amerika sa mababang sweldo at dumedepende lamang sa public services na na kanilang nakukuha sa mga kumpanya.
Nakasaad din sa bagong rules na ang mga nasa Amerika na at gumagamit ng public services ay hindi pagkakalooban ng green card.
Ayon kay Trump dumarami ang bilang ng mga non-US citizens at kanilang pamilya na sinasamantala ang public benefits sa Amerika kabilang na ang Medicaid na isang government-run health program.