Chinese na empleyado ng isang kumpanya sa Pasay City arestado sa pagnanakaw

Inaresto sa salang pagnanakaw ang isang Chinese National na nagtatrabaho sa isang kumpanya sa New Port City sa Pasay.

Dinala ng administrador ng kumpanya ang 24 anyos na Chinese sa Southern Police District.

Ayon sa Malaysian na administrador, nagtatrabaho ang suspek bilang customer service representative sa kanilang kumpanya.

Natuklasan umano nila ang pagkakaroon nito ng illegal online transactions na aabot sa P1 milyon ang halaga.

Kasong qualified theft ang inihain sa empleyado na ngayon ay nakakulong sa Pasay City Police station.

Read more...