Nag-iisang mananaya wagi ng mahigit P83M sa Grand Lotto

Isang mananaya ang maswerteng nagwagi ng mahigit P83 million na jackpot sa Grand Lotto 6/55.

Kabuuang P83,064,102 ang iuuwi ng maswerteng lotto bettor makaraang makuha niya ang winning number combination na 32 07 10 21 20 19 sa isinagawang draw kagabi.

Labingsiyam na mananaya naman ang nakakuha ng limang numero kaya makapag-uuwi sila ng tig-P44,550.

Samantala, wala namang nagwagi ng jackpot prize na mahigit P9 million sa Megalotto 6/45.

Read more...