Kinilala ang suspek na si Monakiram Batabor na inaresto matapos tangkaing arborin ang kaniyang tiyuhin na nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng Makati Police sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Lunes (Aug. 12) ng gabi.
Sa surveillance video ng Makati City police nakuhanan pang ipiniprisinta ni Batabor ang kaniyang NBI ID sa mga pulis at nakikiusap na arborin ang kaniyang tiyuhin.
Nabatid na nakatalaga ang suspek sa CARAGA Region.
Kinumpiska naman ng Makati Police ang service firearm ni Batabor.
Ang tiyuhin ng suspek ay nadakip kasama ang pitong iba pang drug suspect sa buy-bust operation matapos maaktuhang gumagamit ng ilegal na droga sa isang hinihinalang drug den.
Mahaharap si Batabor sa kasong obstruction of justice at paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.