Kanlurang bahagi ng Luzon apektado ng Habagat

Tanging Habagat na lamang ang umiiral na weather system sa bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA, sa susunod na 24 na oras ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkildat ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan.

Babala ng PAGASA ang mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng flash floods at landslide.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ngayong araw na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Dahil sa Habagat nananatiling nakataas ang gale warning sa baybaying dagat ng maraming lalawigan kabilang ang mga sumusunod:

• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Batanes
• Babuyan
• Calayan
• Cagayan
• Isabela
• Aurora

Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok o lalapit sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Read more...