Phase 1 ng bagong Central Luzon Link Expressway malapit nang magamit ng mga motorista

Nakatakda nang buksan ang Phase 1 ng bagong Central Luzon Link Expressway (CLLEX).

Inaasahang magbibigay ito ng mabilis na biyahe mula sa SCTEX La Paz, Tarlac hanggang Cabanatuan, Nueva Ecija.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa sandaling ganap na magamit ng mga motorista bababa sa 15 hanggang 20 minuto lang ang biyahe mula La Paz, Tarlac hanggang Cabanatuan.

Ang proyekto ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ng halagang P3.7 bilyon at isinulong sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa ilalim ng kaniyang programang Super Region noong 2006.

Ganap itong naisakatuparan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng programang Build-Build-Build.

Read more...