Rape suspect patay matapos mang-agaw ng baril ng pulis sa Maguindanao

Contributed photo

Patay ang isang suspek sa kasong rape at murder nang mang-agaw ito ng baril ng babaeng pulis sa istasyon ng pulisya sa Parang, Manguindanao.

Kinilala ang suspek na si Mohamand Akmad, 46 anyos, residente ng Barangay Manion at may kasong rape at murder.

Sa loob ng police station habang kinukunan ng mugshot ang suspek ay inagaw nito ang baril ng isang babaeng pulis.

Ayon kay Lt. Col. Ibrahim Jambiran, Parang Police chief, pagka-agaw sa baril ay binaril ng suspek ang hindi pinangalanang babaeng pulis.

Habang papatakas ay namaril pa umano ng ibang pulis si Akmad, dahilan para gumanti ng putok ang otoridad at napatay ang suspek.

Hindi na umabot ng buhay ang suspek nang dalhin sa ospital habang ligtas na ang binaril nitong pulis.

 

Read more...