3 patay, 1 kritikal sa pag-atake ng Abu Sayaff Group sa Sulu

Patay ang isang 2 anyos na bata, sundalo at CAFGU militiaman sa pag-atake ng Abu Sayyaf Group sa Talipao, Sulu araw ng Lunes kasabay ng selebrasyon ng Eid’l Adha ng mga Muslim.

Kinilala ang mga nasawi na sina Private First Class Joie Halasan ng 2nd Special Forces Battalion at ang militiaman na si Aldazier Hassan ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

Nakasakay ang dalawa sa motorsiklo nang pagbabarilin ng mga suspek sa Patikul-Talipao road.

Dalawang bata naman ang tinamaan din sa pamamaril.

Ang 2 anyos na si Abdukalim Sahisa ay namatay sa ospital habang ang isa pang bata na 11 anyos ay kritikal ang kundisyon.

Kinondena ng militar ang pag-atake sabay apela sa publiko na huwag magpadaig sa pananakot ng bandidong ASG.

 

Read more...