Naging “generally peaceful” ang pagdiriwang ng Eid’l Adha o “Feast of the Sacrifice,” ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Police Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP na walang naitalang “untoward incident” sa selebrasyon.
Gayunman, nanatiling naka-alerto ang pulisya para matiyak ang kapayapaan at kaayusan hanggang sa natapos ang selebrasyon.
Naghanda aniya ang PNP sa pagresponde sa anumang posibleng insidente.
Ang pagbabantay ng pulisya ay sa gitna ng ulat na banta ng terorismo kabilang ang posibleng pag-atake ng mga ISIS-inspired groups sa mga simbahan at ilang lugar.
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang August 12 bilang regular holiday para sa naturang pista ng mg Muslim.
MOST READ
LATEST STORIES