Nagkansela na ng flights ang ilang mga airline companies mula sa bansa papuntang Hong Kong at mula sa nasabing Chinese territory pabalik sa bansa.
Ito ay makaraang mapasok ng nga ralyista ang Hong Kong International Airport.
Base sa mga ulat, pawang mga nakasuot ng itim ang mga ralyista at dala nila ang mga placards na nagsasabing hindi maipagtatanggol ng Hong Kong authorities pati ang mga dayuhan sa kanilang lugar.
Ayon sa Cebu Pacific, apektado ng kanselasyon ng bvahe ang ilan sa kanilang mga flights ngayong hapon.
Kabilang dito ang mga sumusunod.
5J 114 (Manila-Hong Kong) ETD 6:05pm
5J 115 (Hong Kong-Manila) ETD 10:05pm
5J 120 (Clark-Hong Kong) ETD 7:20pm
5J 121 (Hong Kong-Clark) ETD 10:30pm
Sinabi ng Cebu Pacific na gagawa sila ng paraan para matulungan ang mga apektadong pasahero.
Samantala, sinabi naman ng Philippine Airlines na ilang mga byahe na rin nila ang kanselado dahil sa mga pangyayari sa Hong Kong.
Pinapayuhan nila ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang hotline na (+632) 855-8888 para sa buong detalye.
Kabilang sa mga kanseladong flights ng PAL ngayong hapon ay mula sa Clark at Maynila papuntang Hong Kong at pabalik sa bansa.