Kumpiyansa Malacanang na masosolusyunan ni Education Secretary Leonor Briones ang mali-maling textbook na una nang kinuwestyun ng Commission on Audit (COA).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi hahayaan ni Briones na magkaroon ng anomalya sa kanyang kagawaran.
Dagdag pa ni Panelo, “As far as I know, the secretary of education is a very competent intelligent educator and she is someone who will never allow any irregularity or any anomaly inside her department.”
Ayon sa COA, aabot sa P254 Million na halaga ng libro ang mga may maling impormasyon.
Nauna nang sinabi ng Department of Education na handa silang makipagtuklungan sa iba’t ibang mga sektor para maging maayos ang laman ng mga aklat sa mga pampublikong paaralan.
MOST READ
LATEST STORIES