Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief, General Oscar Albayalde na nakabatay sa batas ang pagtanggap ng regalo ng mga pulis.
Sa isang panayam, sinabi nito na nakabatay ang pagtanggap ng regalo ng mga pulis sa Republic Act no. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Posible aniyang binanggit ng pangulo ang mga regalo na maaring tanggapin ng mga pulis bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo.
Nilinaw naman nito na ang pagtanggap ng regalo ay hindi kapalit ng anumang pabor na maaring ikonsidera bilang korupsyon.
Siniguro rin nito ang patuloy na kampanya para laban ang korupsyon sa loob ng kanilang hanay.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pwede nang tumanggap ng regalo ang mga pulis pero hindi ito dapat maging ugat ng katiwalian.