Personal na sinalubong kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City ang mga labi ng labing isang buwang na sanggol na nasawi sa India dahil sa liver disease.
Kasama ng pangulo na sumalubong si Senador Christopher “Bong” Go.
Ayon kay Go, aakuin na ni Pangulong Duterte ang pagpapalibing sa sanggol na si Eren Crisologo.
Mayroong biliary atresia ang bata at dinala sa India para sa isang liver transplant.
Gayunman, nagkaroon ng kumplikasyon ang bata at nasawi.
Isang sundalo ang ama ni Eren na si Erne Crisologo habang guro naman ang kanyang inang si Charibel Crisologo.
MOST READ
LATEST STORIES