Walang nakikitang masama si Cebu Rep. Eduardo Gullas sa pagtatalaga ni Pangulong Duterte ng mga retiradong heneral sa mga posisyon sa gobyerno lalo na ang mga PMAer.
Ayon sa kongresista, sibilyan na rin naman ang mga retiradong heneral dahil wala na sila sa military service.
Hindi na rin anya bago ito dahil maging ang mga dating Presidente ay naglagay rin ng mga datihang opisyal ng militar sa kanilang gabinete.
Inihalimbawa pa ni Gullas ang Amerika kung saan nagsisilbi sa gobyerno at sa pribadong sektor bilang administrators ang West Point alumni.
Pinakahuling ex-military official na in-appoint ni Pang. Duterte si retired Maj. Gen. Emmanuel Salamat, bilang miyembro ng board ng the Metropolitan Waterworks and Sewerage System.
MOST READ
LATEST STORIES