Regalo maituturing lang na ‘suhol’ kapag may hininging kapalit – Panelo

Dinipensahan ng Malakanyang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “okay lang” na tumanggap ng regalo ang mga pulis bilangiftsg pasasalamat.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, saka lamang maituturing na suhol ang ibinigay na regalo kung may hiniging kapalit.

Tinutulan ni Panelo ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na nagsisimula sa maliliit na regalo ang kasakiman at mas nakaadik ito kaysa sa droga.

Misplaced aniya ang banat ng mga kritiko sa pahayag ni Pangulong Duterte.

Read more...