Dry run ng provincial bus ban sa EDSA uulitin ng MMDA kapag binawi ng korte ang TRO

Magsasagawa muli ng dry run ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa provincial bus ban sa EDSA.

Ayon kay MMDA Edsa Traffic Head Bong Nebrija, sa sandaling ma-lift o bawiin ng korte ang TRO ay muli silang magkakasa ng dry run.

Sa ilalim ng panukalang bus ban, ang lalabag ay papatawan ng P5,000 multa para sa bus operators at P1,000 ang driver.

Nagpatupad ng TRO ang Quezon City RTC para sa nasabing bus ban matapos mag-petisyon ang mga bus operator.

Pero ayon sa MMDA, iaapela nila ang pasya ng korte.

Read more...