Seguridad sa mga simbahan, airport at bus stations sa Ilocos Norte hinigpitan pa

Hinigpitan na ang seguridad sa mga simbahan, bus station, airport at iba pang pampublikong lugar sa Ilocos Norte.

Sa gitna ito ng banta ‘di umano mula sa teroristang grupo.

Kasabay nito, nanawagan si Laoag City Police Lt. Col. Amador Quiocho sa publiko na maging mapagmatyag at maging alerto sa lahat ng oras.

Mula noong nakaraang linggo ay pinalakas ang presensya ng pulisya sa maraming mga lugar partikular sa syudad ng Laoag.

Maging ang Barangay Peacekeeping Action teams sa 80 barangay sa Laoag ay nagbabantay buong araw para matiyak ang seguridad sa kanilang lugar.

 

Read more...