Pagsuri sa intel report na may pasasabuging mga simbahan ang ISIS ipinaubaya ng simbahan sa PNP

Ipinauubaya na lamang ng simabahan sa mga otoridad ang pangangalaga sa kaligtasan ng mga mananampalataya kaugnay sa intelligence report na pasasabugin ng grupong ISIS ang ilang simbahang katolika partikular na sa norte.

Sa lingguhang forum na Tapatan, sinabi ni Msgr. Pedro C. Quitorio III, dating tagapagsalita ng CBCP, wala sa kanilang hurisdiksiyon ang security concern ng mga mamamayan, kundi responsibilidad lamang nila ang spiritual and moral nq kalagayan ng mga mananampalataya.

Ang obligasyon aniya ng simbahan ay ipanalangin ang mga believer at kanilang kaligtasan.

Patungkol sa seguridad at terorismo, ang PNP at iba pang law enforcement agencies aniya ang nakababatid nito.

Dinagdag din ni Monsignor Quitorio, na sa mga nakalipas na panahon ay ilang beses na nakaranas ng pambobomba ang simbahan kaya sanay na sila sa mga ganitong insidente.

Read more...