Pautang para sa pamilya ng mga bagong OFW isinusulong sa Senado

AFP FILE PHOTO/TED ALJIBE
Nais ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla na magkaroon ng credit assistance program para sa mga bagong OFWs na makakatulong sa maiiwan nilang pamilya.

Nakasaad sa Senate Bill No. 801 na ang mga bagong OFWs na may balidong kontrata na sinertipikahan ng POEA ay maaring mapautang ng P50,000 mula sa OWWA na maari nilang bayaran sa loob ng 12 buwan at may interes na anim na porsiyento.

Naniniwala si Revilla na makakatulong ang utang para makaagapay ang OFW pati na ang kanyang pamilya sa mga unang buwan ng pagta-trabaho sa ibang bansa.

Ibinahagi nito ang datos mula sa Philippine Statistics Authority na may 2.3 milyon sa ibang bansa na nagpapadala ng P235.9 bilyon halaga ng remittances.

Aniya noon April hanggang September 2018, 96.2 porsiyento ng OFWs ang may kontra at ang natitirang 3.8 porsiyento ay wala.

Read more...